Minsan naiisip ko, hindi rin pala simple ang nakalipas na 5 taon. Ang dami ko ng pinagdaanan. Nag BS Math ako sa UPLB nung 1st year, Pre-Dent sa UPM ng 2nd year, Polsc sa Diliman nung 3rd year hanggang sa napagod na'ko kaka-shift at tinapos ko na.
Nagkaroon na ko ng phase kung saan nag struggle akong kilalanin ang sarili ko, tapos nagkaroon ako ng freedom phase - nagyosi, inuman, mga usapang paglaban sa status quo, etc. Tapos biglang may clique phase, sandamakmak na chismisan, panglalait, tuksuhan. Meron ding anti-social period (matagal to e) - yung wala lang ako kinakausap sa mga kaklase ko tapos hindi ako nagsusuklay, nakapambahay ako lagi, ang luluwag ng suot ko't nakatsinelas pa'ko nung parang gulong, yun bang ako yung tipo ng taong di mo iisiping i-chummy. Nagkaron din ako ng cranky phase - nakakainis lahat ng tao, napaka-corny ng love konsepto lang naman yun, lahat ng nagrerecite nagmamagaling etc. Ewan ko, lately nagka conscious phase naman ako. Tinatanong ko yung mga kaibigan ko lagi "mataba ba ko?" "mukha ba kong tomboy?" "may dumi ba ko sa mukha?" "pangit na ba buhok ko?" "halata bang madumi sapatos ko?".
Hindi ko na rin minsan malaman, ano na ba talaga ako sa mga nabanggit? Wala, lahat, depende sa panahon. Basta ang alam ko, pagkatapos ng 5 taon, masaya ako sa mga naranasan ko. Pagkatapos ng 5 taon, alam kong natuto ako.
Syempre nagpapasalamat ako sa Diyos, sa magulang ko, pamilya ko, mga kaibigan ko, mga guro (lalo na kay Prof. Casambre), kay sered na rin siguro... pero higit sa lahat, nagpapasalamat ako sa sarili ko. Dahil sa lahat ng intra at interpersonal kong problema, sa lahat ng hinanakit ko sa pamilya, sa lahat ng panghihinayang ko sa buhay, sa bawat pangiinsulto sa pagkatao ko, sa lahat ng pagkakataong nasakatan ang puso ko, sa lahat ng pagka-cut at inumang inuna ko, sa lahat ng "agit at nega na energy" at katamaran na dala-dala ko sa aking katawan, sa bawat segundong inisip ko sana maglaho na lang ako, hindi ako nagpatalo. Hindi ako sumuko. Kahit wala na kong data at di pa ko kumakain, kahit namumugto ang mata kong pumapasok sa klase, kahit nauubos ang baon ko sa pagpapa-photocopy, kahit sumasakit ang paa ko sa paglalakad, kahit gutom ako sa klase, o inaantok, kahit bored na bored na ko sa buhay ko, kahit ayaw sakin ng prof o ng mga group mates ko at kahit pa pinagdududahan ko na ang sarili ko, tinapos ko.
Hindi man ako kasing talino at sing galing ng ibang tao, maging kasing yaman ng pinangarap ko, masaya ako.Hindi matatawaran ang under grad experience.
Ok, so unemployed ako. Sabi nga nung Suma ng Ling, welcome sa gubat ng kahirapan!!!
PS nakakalungkot baka wala na'ko ma-post under UP tag :(
