Back in college:
Dad: "Pagkatapos mo gumraduate, bahala ka na gawin mo gusto mo."
Just last night: (After watching Live AIDS)
Mom: "Tapos ka na mag-aral, di mo na kailangan yan, diversion lang yan... etc etc etc"
HA??? Ano daw? Di nga? May point ba?
Mom: "Hindi mo ko naiintindihan..." "Maiintindihan mo ko pag naging magulang ka na."
Ako kaya naintindihan nyo? Isa pa, wala yata ako plano magka-anak. Pagod na ko. Hindi na lang ako kumibo. Pera lang sana, pera na lang kailangan ko. Para makatulong sa inyo, para magkaron ng lugar na sa'kin lang, para mas simple ang mga bagay.
There's more to living than being alive.
Pag may gustong gusto kang makuha na tingin ng iba hindi para sayo tapos nakuha mo, inaabangan ng lahat ng tao yung panahon na sasabihin mo, hindi pala ganon kadali o kasaya yun.
Kunyari yung pinsan ko na ayaw lumipat sa LA dahil nandun lahat ng pamilya nya. Gusto nya i-try sa Florida kasi siguro (sabi ng tatay ko) ayaw nya na pinapakialaman sya/sila ng pamilya nya. Nung pinanganak yung anak nya at nahirapan sya mag alaga, sabi ng matatanda, yan na nga ba, ayaw pa nya dun, tingnan nyo hindi rin sya tumagal sa Florida. Wow! Tama sila! Another victory para sa mga tanders! Sa mga bata na nahihirapan at humihingi ng tulong sa mga magulang, hindi ko alam ang tawag satin. Kawawa? Hindi naman siguro. Mahirap lang, mahirap yung may gusto ka at di mo magawa kaya kailangan mo ng tulong, kaya kailangan isipin nila mali ka. Mali ba yung gustuhin mong mabuhay ayon sa gusto mo? Mali bang gustuhin mong magdesisyon para sa sarili mo? Tapos kapag dependent ka naman sa mga magulang/kamag-anak sasabihin naman nila tamad ka, wala kang sariling desisyon. Lalo na pag lalaki, sasabihin nila "wala to, hindi marunong" Gusto nila yung tamang tama lang. Yung kailangan mo sila pero wag kang abuso. Tama naman db? Pag naging successful at independent ka very proud sila. Dun lang. Dun ka lang masusunod sa buhay mo ng walang nega. Dun lang. Kelan pa kayo yun para sakin? Kasi lumipas na ang HS at ang College. Tumatanda na ko, hindi ko na kaya magtry ng mga bagong bagay, yung mga kaibigan ko tapos na sa phase na gusto kong subukan. Nakakatakot na baka kapag may resources at "right" na kong magdesisyon at mabuhay ayon sa gusto ko, tapos na; nalipasan na ko nga panahon.
Hindi ko naranasan yung outing/sleepover ng barkada tapos papasok sa Lunes ng pagod pero sobrang saya. Hindi ko naranasan yung all out na magccontribute para sa extra curricular activity na tipong walang tulog at walang uwi, hindi ko naransan na biglang lumayo pag gusto ko mapag-isa lang o magpalipas ng problema kasama ang kaibigan pag pakiramdam ko wala ako magawa. Marami akong di nagawa, na gusto ko sanang gawin. Kaya yung utak ko kung san san pumupunta. Napupunta sa mga bagay na di ko magawa kahit sa mga bagay na hindi ko gusto gawin.
Tumatanda akong nanghihinayang sa mga panahong nawala, nabubuhay ako na walang magawa kundi isipin kung kelan ko kaya mababawi yung mga panahon na sana parang normal na tao lang ako. Habang tumatagal, nagiging masama ang pakiramdam ko tungkol sa buhay ko. Na minsan gusto kong maging masaya sa bahay pero wala akong gana kasi lagi naman ako nandito at walang magawa. Minsan gusto ko magkwento sa mga kaibigan pero wala ako makwento kasi wala naman akong nararanasan na magandang i-share sa kanila. Hindi ko alam kung anong maganda sakin kasi parang ang flat ng nga bagay, walang character. Kaya wala. Sino na ba talaga ko after 22 yrs? Ako yung taong laging nasa bahay, hindi close sa magulang, walang masabi sa mga usapan, wala masyadong maipagmalaki, nakukuntento dahil di maghihirap pero yun na lang yun.
Hindi ako nag-effprt mag-aral kasi yun lang ang consuelo ko. Yung malaman sa sarili ko na kahit masarap ang tulog ko sa gabi pumapasa ko habang yung iba laging ngang masaya bagsak naman. Yun lang ang spontaneous sa buhay ko - pag aaral. Dun ko lang kayang sabihin na "bahala na" na di masabi pag may lakad kasi laging "hindi ako pwede" lang ang kaya king isagot.
Kaya ayun.