Walang Ibang Masasabi Kundi tHaNkz PoWz

This, I wrote on Dec. 31, 2010


Sa pagtatapos ng 2010 nais kong magpasalamat sa lahat ng tao at bagay (hayop, lugar, at pangyayari) na bumuo sa akin sa nakaraang taon.

Sa mga taong kahit makailang palit na ng kalendaryo ay nariyan pa rin.

Sa mga taong umalis na at hindi ko na alam ang nangyari sa kanila.

Sa mga taong umalis na pero walang sawang nakikipag-text, fb chat/comment, tweet, ym, o skype (miss ko na kayo).

At sa mga taong bagong dating sa buhay ko.

Sa lahat ng nakakairita, nakakapagod, at nakakasawang pangyayari.

Sa lahat ng mga bagay na nakapagpangiti sa akin.

Sa lahat ng pag-unawa, papuri, pag-puna, panghihikayat, at higit sa lahat, hindi pag-pansin sa akin kapag kailangan kong mapag-isa.

Kay Kobe na nagbibigay saya sa aming pamilya ngayong holidays. Sana gumaling na ang amo mo pero sana amin ka na lang din!

Masaya ako dahil may mga bagay na matagal ko ng iniisip at finally nangyari na. Hindi man naging maganda ang daan sa paglalakbay ngayong taon, ang importante ay narating ko ang finish line ng maligaya at may peace of mind. Ibang klase ng sense of accomplishment na baon ko sa pag-iwan sa 2010. May dala-dala akong saya, pag-asa, at matinding excitement sa pagpasok ng 2011. :)

At siyempre, bago ko pindutin ang "Publish" ay ginawa ko muna ang symbolical na pag-aalis ng agiw sa aking silid.

Maligayang pagsalubong sa baong taon!

P.S. Yung iba hindi ko na na-tag kasi di naman aktib sa pesbuk or hindi mahilig sa mga notes-notes na ganito hehe

0 comments:

Post a Comment